What's Hot

'KMJS': Ang paghahanap kay Jimuel

By Bianca Geli
Published March 4, 2019 7:22 PM PHT
Updated March 4, 2019 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Huling namataan ang onse-anyos na si Jimuel noong October 8, 2017. Hinala ng kaniyang pamilya, na-kidnap na ito. Alamin kung ano nga ba ang nangyari kay Jimuel?

Mahigit isang taon nang nawawala si Jimuel. Ang akala ng kaniyang mga magulang, dinukot na siya ng mga sindikato.

Huling namataan ang onse-anyos na si Jimuel noong October 8, 2017. Hinala ng kaniyang pamilya, na-kidnap na ito.

Kuwento ng kaniyang ina na si Ellen Versoza, sa Kapuso Mo, Jessica Soho, matagal daw niyang dala ang sakit sa damdamin dahil sa nawawalang anak. “Dinasal ko na lang po na sana buhay po ang anak ko… Sobrang tagal ko pong dinala 'yung sakit.”

Walang tigil si Ellen at ang asawa niyang si Jimmy Lanag sa paghahanap kay Jimuel, umaasa na buhay pa rin ito.

Kuwento ni Jimmy, “Alam ko buhay pa ang anak ko. Nandiyan nga po 'yung time na nagkakasakit na kami sa kalsada, pero sugod pa rin kami ng sugod. Kasi ang iniisip namin, makukuha pa rin namin ang anak namin."

Tumulong ang KMJS sa paghahanap sa bata at nakatanggap sila ng impormasyon na may nakitang bata na nahahawig daw kay Jimuel.

Si jimuel nga ba ito? Alamin!