What's Hot

KMJS: Ang pamilya na puro kambal

Published February 6, 2019 2:19 PM PHT
Updated February 6, 2019 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang kuwento ng buhay ni Reynaldo sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Marami nang nagsabi kay Jesselle na babaero si Reynaldo, pero sinagot pa rin niya ito. Pero kahit na nagkaanak na sila, patuloy pa rin daw sa pambababae si Reynaldo.

Kapuso Mo, Jessica Soho
Kapuso Mo, Jessica Soho

Nahuli man niya na ito sa akto, magaling sumuyo si Reynaldo dahil napapatawad pa rin siya ni Jesselle.

Kahit pa noong nakarelasyon nito ang kapitbahay nilang si Aida na sa kasalukuyan ay nasa Amerika.

Ani Jesselle, “Natural masakit kasi nalalaman mo, nakikita mo paminsan 'yung babae dumadaan sa harapan mo.”

Pero ang pambababae ni Reynaldo, umabot na hanggang sa mga kapitbahay nila. At lalong umigting ang mga tismis nang mabuntis si Aida.

Kuwento ni Jesselle, “Nung nalaman ko na nagbubuntis nga, sabi ng mga tao, anak ni Reynaldo…wala na akong magawa.”

Ang pagbubunga ng relasyon nina Aida at Reynaldo, ang kambal nilang anak na lalaki.

Mukhang kambal talaga ang pagmamahal ni Reynaldo, dahil nang magkaayos sila ng asawa niyang si Jesselle ay nabuntis din ito…sa kambal na babae!

Gayunpaman, naging mabuting ama raw si Reynaldo. At ang isa sa kaniyang mga anak, ay nagsilang din ng kambal.

Paano kaya napagbuklod ang dalawang pamilya ni Reynaldo?