What's Hot

'KMJS:' Ang Super Man(gyan) na ama sa Oriental Mindoro

By Bianca Geli
Published April 11, 2019 3:35 PM PHT
Updated April 11, 2019 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Isang pagsaludo para sa Super Man(gyan) na ama mula sa Oriental Mindoro. Alam ang kaniyang kuwento rito:

Marami ang naantig sa litrato ng isang tatay na naka Superman T-shirt habang kasama ang kaniyang anak sa graduation nito.

Parehas man silang nakayapak, marami ang na-inspire sa pag-abot ng mag-ama sa kanilang pangarap.

Sa katunayan, matapos maging viral ang kanilang larawan sa social media, iba't ibang artwork ang kumalat online na hango sa litrato ng mag-ama, na sinasaludo ng marami.

Sa Brgy. Fortuna, Oriental Mindoro tubo ang mag-amang Bernie at Cerlyn.

Apat na taong gulang pa lang si Cerlyn na anak na bagong graduate mula sa daycare.

Payak ang pamumuhay sa Brgy. Fortuna, kaya naman si Bernie ay hindi alam ang ibig sabihin ng Superman logo na naka-imprenta sa kaniyang suot na T-shirt.

Nang makapanayam siya ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ikinuwento ni Bernie na nabili niya lang ang t-shirt dahil nagandahan siya rito. Aniya, “Hindi ko siya kilala [Superman].”

Pagsisibak ng mga pangluto ang trabaho pangkabuhayan ni Bernie. Kuwento niya, “Doon lang ako mahusay sa paghahanap ng panggatong at pagkain.”

Sa kaniyang apat na anak, ang bunsong si Cerlyn daw ang pinaka-daddy's girl. Pero kung meron man siyang kahinaan o kryptonite tulad ni Superman, ito ay ang kaniyang mga dinaramdam na sakit sa katawan.

“Kapag nirarayuma ako, hindi na ako makaalis ng bahay. Nagpapahinga na lang.”

Ngunit kahit nirarayuma man o nakayapak, siniguro ni Bernie na makadalo sa pagtatapos ng kaniyang bunso.

Tunghayan ang nakakantig na istorya ng mag-amang Bernie at Cerlyn sa KMJS:

'KMJS:' Magkamukha o magkapatid?

KMJS: Banana cake para kay Baby Aki