
Hindi inilihim ni Michelle sa publiko ang makailang beses na niyang pagpaparetoke. Ipinagsisigawan pa nga niya ito. Mula sa ilong, mata, eyebags, cheekbones at baba, lahat ay pinaretoke niya.
Ngunit matapos ang isang dosenang pagpapaturok, ang dating makinis at magandang mukha ni Michelle ay nasira at namaga. Lumawlaw ang kanyang pisngi, nangitim ang balat, at hindi na humupa ang pamamaga.
Taong 2004 nang may mag-alok kay Michelle na magturok ng silicon sa ilong. Mula noon ay nagsunud-sunod na ang pagpaparetoke, mula sa pisngi, baba at eyebags.
May pag-asa pa kayang maibalik sa dati ang mukha ni Michelle?
Panoorin ang buong ulat dito sa Kapuso Mo, Jessica Soho: