
Kakaiba ang hilig ni Rosejean sa mga lalaki, kasi ang type niya, puro beki!
Hindi pangkaraniwan ang natitipuhan ni Rosejean dahil ang mga nakarelasyon niya ay puro mga beki at sampu silang lahat.
Aniya, “Ang tipo ko sa isang lalaki, 'yung bakla na maganda.
“Maayos 'yung itsura niya at feminine look talaga. Parang na-aattract ako sa kanila kapag maganda silang tingnan.
“Kung nagkaka-gusto sila sa akin parang success, parang proud na proud ako sa sarili ko, as in bakla sila pero nagkagusto sila sa babae.
Dahil mahilig si Rosejean sa mga transgender, nabansagan tuloy siyang “trans collector.”
Dumating sa punto na ikinasal na si Rosejean sa isang bading, ngunit kinailangan niyang mag-ibang bansa para sa trabaho.
Hanggang sa makarating sa kaniya ang balita na may iba na raw itong kinakasama, na isang lalaki.
Paano na lang kaya si Rosejean?
Panoorin sa episode na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: