
Tila nasanay na ang komdyanteng si Babajie sa masasakit na salita na ibinabato sa kanya.
“Hindi maiiwasan 'yan, may nanlalait.
“''Ayan o may naglalakad na buwan. Mahiwagang kasoy, mahiwagang sandok, mangga.'
“Nahe-hurt din kasi tao lang naman tayo, nasasaktan din.”
Pero kamakailan lang, hindi baba kung 'di buhok ni Babaji ang humaba dahil sa mga litrato niyang kumalat sa social media, kung saan kasama niya ang isang gwapong Italiano.
Kinilig ang netizens sa mga matatamis na litrato ni Babajie kasama ang isang Italiano na galing Cebu.
Ano kaya ang real score kina Babajie at ng lalaki sa kaniyang mga litrato?
Panoorin sa episode na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: