
Tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang isang 23-anyos na dalaga mula Dipolog, Zamboanga del Norte na diumano'y laging naba-block ng mga manliligaw niya.
Sa social media, mapapansing maganda at mapangakit si Noralyn Sumiyaya.
Pero bakit matapos ang ilang buwan ng ligawan ay iniwan daw siya ng lahat ng limang naging nobyo niya at bina-block pa sa social media?
"Lahat ng mga ex ko, bina-block po nila ako sa Facebook," kuwento ni Noralyn sa KMJS.
Duda ni Noralyn, ang dahilan kung bakit siya iniiwan ay ang sikreto niya na pilit tinatago sa daan ng makeup.
Ipinakita ni Noralyn ang hitsura niya nang walang makeup, at kahit maraming netizens ang pumuri sa dalaga dahil sa natural at simple nitong ganda, hindi naging masuwerte sa mga naging nobyo ang dalaga.
Nakaranas din ng matinding pamba-bash si Noralyn, luhaan niyang inilahad sa KMJS, "Sinasabihan po nila ako na mukhang unggoy daw," she said. "Hindi ko po matatanggap na pinagtatawanan ako ng mga tao."
"Mahirap po na pinagtatawanan ako ng mga tao kasi masakit po para sa akin," dagdag niya.
Hindi nagiisa si Noralyn sa pinagdadaanan niya, pati ang tatlo niyang kapatid, may kakaibang kondisyon na nakaapekto sa kanilang hitsura.
Sinamahan ng KMJS ang pamilya para magpakonsulta sa doktor para mahanap ang lunas sa kanilang sakit. Saad ng isang espesyalista sa dermatology, "Parang meron silang genetic abnormality or syndrome kasi it's a combination of different skin features," ayon kay Dr. Grichelle Guillano.
"It's a difficult case kaya kailangan talaga nating malaman kung ano yung genetic abnormality niya."
Gayunpaman, nakahanap din si Noralyn kalaunan ng lalaki na tanggap siya sa kanyang tunay na hitsura.
"Nung una kong nakita 'yung picture niya parang tumibok agad 'yung puso ko."
Alamin ang kanilang kuwento sa KMJS:
Tignan ang ilang moments mula sa KMJS noong 2021: