
Isang eye-opener para sa lahat ng tao ang isang segment ng Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) nang ipakita nila ang ilang videos ng pag-exorcise ng ilang mga tao na na-possess ng demonyo.
Kuwento ni Dr. Jose Gonzalo Ditching, isang Lay Collaborator sa Archdiocese of Ozamis - Office of Exorcism and Deliverance Ministry sa Mindanao, sensitibo raw ang materyal na ito dahil maaring possess ang manonood kahit sa pamamagitan ng telebisyon o YouTube lamang.
“Kung mapapansin niyo sa ilang exorcism ceremonies, hindi niyo mapapanood sa YouTube kasi napaka-sensitive po nito.
“'Pag open ang psychic ability ng mga manonood kasi is pwede siyang ma-attack.
“But the purpose of this is to let people know na 'yung mga kasong ito ay dumadami.”
Sambit pa niya, halos 300 videos na ang naipon nila na exorcism ceremonies.
Panoorin ang video na ito:
Patuloy na panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo, sa GMA-7.