
Nag-umpisa na nitong Lunes, October, ang academic year 2020-2021 para sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan sa bansa.
Malayo sa nakagawiang paraan ng pag-aaral at pagtuturo, online ang klase para sa school year na ito bilang pag-iingat laban sa COVID-19.
Kung hindi online, sa pamamagitan naman ng modules ang isa pang paraan ng pagtuturo ngayon.
Hindi lang pala pag-attend ng klase online ang mahirap dahil pati ang paghahatid ng modules sa mga liblib at malalayong lugar para sa estudyante ay mahirap din.
Gaya na lamang ng nag-viral na teacher na kinailangang pang lumangoy ng ilog para makatawid sa barangay na paghahatiran niya ng learning materials.
Siya ang private teacher na si Moises Palomo na taga-Tandag City, Surigao Del Sur.
“Sa amin marami ang mga bahay na walang internet connection.
"Kaya ang ginagawa namin, nagpo-produce kami ng mga reading material para naman matulungan sila,” aniya.
Gumigising si teacher Moises ng 5:00 ng umaga para ihanda ang mga gagamitin ng mga bata.
Pagkatapos maayos ang lahat ng kailangan ay magsisimula nang maglakbay ang guro para makarating sa malayong lugar kung saan nakatira ang ilan sa kanyang mga estudyante.
Mahabang paglalakad at kung hindi maiiwasan, kailangan niya pang tumawid ng ilog para marating ang lugar.
'Yung bangka kasi du'n is isang lang. Hindi sa amin. Hindi rin assurance na makakahiram ka,” aniya.
Kaya si teacher Moises, walang choice kundi languyin ang ilog.
Kasama ang Kapuso Mo, Jessica Soho team, muling binagtas ni teacher Moises ang mapanganib niyang paglalakbay para maghatid ng learning materials sa kanyang mga estudyante.
Panoorin ang video na ito: