
Ang inaabangang Halloween Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho ay muling nagpatunay na ito ang pinaka-patok na takutan sa bansa, matapos umere noong Oktubre 26 at magtala ng all-time high peak concurrent viewers sa kasaysayan ng programa.
Ayon sa opisyal na post ng KMJS sa Facebook, “ALL-TIME HIGH PEAK CONCURRENT VIEWERS! Ang #KMJSMulto Halloween Special, sobrang tinutukan hanggang online! Nakapagtala po tayo ng mahigit 418,500 peak concurrent viewers -- ang pinakamataas na bilang ng taong sabay-sabay na tumutok sa ating livestream sa kasaysayan ng KMJS! Maraming salamat po!”
Dahil sa nakakakilabot pero nakakapanabik na mga kwento, tutok ang mga manonood sa TV at online, sabay-sabay na napatili, kinilabutan, at hindi mapakali sa bawat eksena.
Marami sa mga netizen ang nagbahagi ng papuri at reaksyon sa comment section ng KMJS post.
“Nakakainis yung tuluy-tuloy ang kwento, walang commercial! Hindi tuloy ako makaihi sa takot! Hehe 😜 Kudos KMJS, gaganda lahat ng episode!”
May mga tumutok din sa Lipa Massacre segment, na tinawag ng ilan na isa sa pinakamakapangyarihang episodes ng gabi.
“Pinakamagandang episode, hindi dahil sa paranormal kundi sa mismong interview ng ama after all these years. Video recording at pictures ng mag-iina na 'di pinakita noon sa movie.”
Marami ring nagsabing ito na ang pinakamagandang Halloween special ng KMJS sa lahat ng panahon.
“One of the best, if not the best Gabi ng Lagim Special ng KMJS! Lahat ng kwento maganda.”
“Mas okay na okay ngayon 'yung Halloween Special ng KMJS. Magaganda ang mga kwento at mahusay din ang mga kinuha n'yong paranormal experts tulad nina Ed Caluag, Miss Anna, at Jay Costura. Pati 'yung last part na may mga pinadalang pictures at video, medyo creepy! Good job po sa inyo.”
Sa tagumpay na ito, muling pinatunayan ng KMJS na ito pa rin ang paboritong weekend show ng mga Pilipino.
Hindi lang ito basta programa, ito ay karanasang sabay-sabay pinapanood at pinaguusapan, na patunay sa galing ng storytelling ng KMJS at sa walang kupas na suporta ng mga manonood, lalo na tuwing Halloween.
Para naman sa mga hindi nakapanood ng live airing, may pagkakataon pa silang makisali sa takutan online sa KMJS at GMA Public Affairs Facebook at YouTube ngayong Linggo, November 2, 8:20 p.m.
Nagbabalik na ang KMJS: Gabi ng Lagim na totoong nakakatakot to the point na di ka makaka-cr for 2 weeks HAHAHAHAHAH#KMJSMulto pic.twitter.com/b8SsxfEJDl
-- unknown (@jymsdyl) October 26, 2025
This is how Gabi Ng Lagim should be. Ganda ng pagkakagawa this year. #KMJSMulto
-- MondVirt (@mondvirtusio) October 26, 2025
Justice for NO NAME!!! She just needs therapy tapos kinulong pa. emhie #kmjs #KMJSMulto pic.twitter.com/AMqzHJ5PwV
-- Carlo po. (@nowaycarlo) October 26, 2025
Related gallery: Shaira Diaz, Vince Maristela, other Kapuso stars and their horror stories