GMA Logo kapuso mo jessica soho
What's Hot

KMJS: Holy Week travel destination sa Pilipinas

By Dianara Alegre
Published March 29, 2021 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thailand PM expresses hope for ceasefire with Cambodia
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

kapuso mo jessica soho


Silipin ang ilang travel destination sa Pilipinas sa paggunita ng Holy Week o Semana Santa.

Sa paggunita ng Semana Santa at ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas, may pa-virtual tour ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa ilang destinasyong hindi lamang good for the body, good for the soul din.

St. Francis Xavier

Ang St. Francis Xavier Church, na matatagpuan sa Palompon, Leyte, ay kilala sa magandang kisame nito na pinintahan ng ilang pangyayari sa Lumang Tipan, buhay ni Kristo, Moro Seige sa Palompon, at ang buhay ng kanilang patron na si St. Francis Xavier.

Ang matiyagang nagpinta nito ay ang grupo nina Aris Avelina E. Pastor na October 2019 pa nagsimula. At dahil mabusisi ang pagpipinta ng simbahan, inabutan na sila ng pandemya.

Gayuman, nagawa ng grupo, sa tulong ng mga opisyal ng Simbahan, na matapos ang proyekto.

St Francis Xavier Church

St Francis Xavier Church

Groto ng 15 Mysteries

Matatagpuan sa San Miguel Bulacan ang grotto ng 15 Mysteries o ang naglalakihang mga imahe ng Holy Trinity, ang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo.

Ang grotto ng 15 Mysteries o grupo ng Catholic Missionary ay may taas na 36 na talampakan.

Sinasabing itinayo ito dahil sa aparisyon ni Jovita Bonifacio Domingo, founder ng 15 Mysteries.

Kasama rin sa mga dinarayo rito ang isang manghihilot na si Mercy Cabatuan Ogad na nakagagamot umano ng mga sakit.

Nagbibigay sila ng tulong nang walang kabayaran at para lamang maglingkod sa Panginoon.

Grotto ng 15 Mysteries

Grotto ng 15 Mysteries

Homonhon Island

Bilang paggunita sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa, kasama rin sa listahan ang Homonhon Island sa Guian, Eastern Samar, kung saan unang tumapak noong March 17, 1521 ang navigator at explorer na si Ferdinand Magellan.

Dahil dito, nagtayo ng mga historical marker at mural painting.

Bukod dito, matatagpuan din sa isla ang Immaculate Concepcion Parish Church, kabilang sa National Cultural Treasure sa Pilipinas, na nakatayo na roon sa loob ng 400 taon.

Nakatago sa simbahan ang ilang relic na mula pa sa 17th century katulad ng Altar Cards, lumang libro na naglalaman ng records ng mga kasal at binyag, karo ng Santo, korona ng Inang Maria, gayundin ang pinakaiingat-ingatang monstrance o lagayan ng ostiya.

Immaculate Concepcion Parish Church

Immaculate Concepcion Parish Church

Panoorin ang kabuuan ng episode na ito rito: