GMA Logo Babaeng naputulan ng binti
Source: km_jessica_soho (IG)
What's Hot

KMJS: Isang babae, naputulan ng binti dahil sa tilapia?

By Bianca Geli
Published May 20, 2025 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Babaeng naputulan ng binti


Paano nauwi sa pagputol ng binti ng isang lola ang simpleng sugat?

Naging malubha ang lagay ng isang lola mula Nueva Ecija dahil sa matinding impeksyon na nagsimula lang sa sugat sa binti.

Kwento ni Lucena, ang matulis na palikpik ng tilapia, tumama at nagkasugat daw ang kanyang kaliwang binti.

Hindi raw ininda ni Lucena ang sugat noong panahon na 'yun, ngunit kinabukasan, nagsimula nang kumirot ang kanyang sugat at nagsimula na ring sumakit.

Ani niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, "Akala ko noong una, simpleng sakit lang na hindi ganun kagrabe."

Pagsapit ng tanghali, namaga na ang binti ni Lucena at tila lumobo.

Hanggang sa hindi na siya nakakatayo at nakakakain, kumalat na kasi ang impeksyon sa kanyang katawan at kailangan nang putulin ang kanyang binti.

Agad na isinugod sa ospital si Lucena, na tila hindi na rin makausap.

Ang naging sakit ni Lucena ay impeksyon dahil sa Vibrio Vulnificus, isang sakit na dulot ng bakterya na nakukuha sa tubig alat o hilaw o hindi maayos na nalutong pagkaing dagat.

Bagamat bihira, malala ang sakit na dulot ng Vibrio Vulnificus.

"Hindi naman lahat ng klase ng isda ay infected, nagkataon lang siguro na 'yung pinanggalingan nung source ng tilapia ay galing sa isang lugar kung saan hindi masyadong malinis, polluted, mataas ang fecal content ng tubig kaya nag-proliferate. Medyo mataas 'yung bacterial load nung source niya," ayon kay Dr. Jasson Louie Arcinue na isang orthopedics surgeon.

Patuloy na panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing 8:15 ng gabi sa GMA Network.

Panoorin ang buong kwento: