
Sa ika-walong Halloween special ng award-winning television news magazine na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), puno na naman ng kaba at kababalaghan ang istoryang itinampok nito noong Linggo, November 1.
Isa na rito ang kuwentong kutsero na bumalot sa mga taga-Mexico, Pampanga na nagsimula pa noong dekada '70.
Ayon sa paniniwala, isang misteryosong itim na kabayo na may hila-hilang karo ay isang pangitain sa nakaambang peligro sa sino mang makakita nito.
Totoo kaya ito? Paano ito nagsimula?
Panoorin ang video sa ibaba:
Patuloy na panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo, 8:25 p.m. sa GMA-7.