What's Hot

KMJS: Japanese Geisha Dolls, sinapian ng masamang espíritu?

By Bianca Geli
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated July 15, 2019 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Japanese Geisha dolls daw ang pinagmumulan ngayon ng katatakutan ng ilang nakabili nito.

Japanese Geisha dolls daw ang pinagmumulan ngayon ng katatakutan ng ilang nakabili nito.

Japanese Geisha
Japanese Geisha

Nabulabog daw ang isang tahanan sa Cubao simula ng iuwi doon ang nabiling Japanese doll na sinasapian daw ng masamang espiritu.

Nung minsan bumisita sa isang Japanese surplus shop si Coco, isang secondhand Japanese Geisha doll sa loob ng glass casing ang nakakuha ng kaniyang pansin. Ang mukha ng manika, gawa sa karton at ang katawan, dinamitan ng kimono, tumutugtog din ito.

Ayon sa buyer nitong si Coco, “Para akong nakakita ng bagong silang na bata. Kahit antique siya o bago pa siya, basta gusto ko siyang bilhin.”

Aniya, bumilis ang pasok ng suwerte sa negosyo niya mula ng bilhin ang tinuring niyang lucky charm na manika.

Pero iba naman ang kutob dito ng kasama niya sa bahay na si Jerome.

Ani ni Jerome, “Kahit walang mag-ikot sa kaniya tumutunog siya.”

Kalaunan may nangyari pang mas kakaiba, lagi raw nawawala bigla ang kanilang mga gamit sa bahay tulad ng sapatos o susi.

Isang kaibigan nilang nakitulog naman daw ang binangungot. Kuwento ni Coco, “Isang malaking babae na may head dress daw 'yung humihila sa ulo niya.”

Sa galit sa manika, sinira ito at pinagbiyak biyak at tinapon sa basurahan ni Jerome. Agad din daw siyang tumawag ng isang Feng Shui expert.

Payo raw sa kaniya ng Feng Shui expert, humingi ng patawad sa Japanese Geisha doll na kaniyang nagambala. Pero laking gulat ni Jerome ng nawala na sa basurahan ang tinapon niyang parte ng Japanese Geisha doll. Matapos naman ng ilang araw, nahanap niya na rin ang kaniyang nawawalang susi.

Ayon naman sa isang makeup artist na si Jenny, ang nabili niyang Japanese Geisha doll, may dala ring kababalaghan. “Nabili ko 'yung Japanese doll na 'yan sa Japanese surplus, parang hinihikayat niya akong bilhin siya.”

Kalaunan, may iba siyang napansin dito. “Paiba-iba po itsura niya, kung saan siya nakaharap. Nung inayos ko siya, nakaharap na naman siya sa kabila.”

Para malaman kung mahiwaga nga ito, ipinasuri ang nakunang video ng paggalaw ng Japanese Geisha doll ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa isang eksperto.

May kababalaghan kaya ang mga nasabing Japanese Geisha dolls? Panoorin sa KMJS: