GMA Logo Man eating coconut
What's Hot

KMJS: Lalaki mula Davao City, kinudkod na niyog ang tanging pagkain ngayong ECQ

By Bianca Geli
Published May 8, 2020 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Man eating coconut


Dahil sa kawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19, nagkakayod na lamang ng niyog ang isang lalaki sa Davao City para makakain.

Walang mapagkakitaan si AlfredoPaz dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa kaniyang lugar. Nang mawalan na ito ng makakakin, nagkakayod na lamang ito ng niyog upang maibsan ang gutom.

Isang video na in-upload ni Sachiko Neri ang nag-trending online kung saan makikita si Alfredo na naluluha at hapong hapo sa pagkakayod ng niyog. Ito lamang kasi ang kakainin nila ng kaniyang pamilya.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ipinakita ang nasabing video kung saan naghayag ng suliranin si Alfredo, "Kalamansi at niyog lang ang kinakain namin. Manghihingi sana ako ng bigas dahil wala kaming bigas."

Dagdag niya, "Kumakayod na lang ako ng niyog para meron kaming pananghalian... dahil sobrang gutom na."

Naluluhang nagmakaawa sa video si Alfredo, "Maawa sana kayo sa'min, ma'am, sir...niyog na lang kinakain namin."

Kuwento ni Alfredo, "Naawa talaga ako sa sarili ko kasi walang choice, wala akong magawa..."

Ano na kaya ang kinahinatnan ni Alfredo at ng kaniyang pamilya? Panoorin: