What's Hot

KMJS: Lola sa Aklan na 10 taon nang bulag, biglang nakakita

By Dianara Alegre
Published August 14, 2020 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Lola Bonifacia Teting Dela Cruz KMJS


Ano ang dahilan ng tila himalang panunumbalik ng paningin ni Lola Teting Dela Cruz?

Mahigit isang dekada nang bulag ang 94 taong gulang na si Lola Bonifacia “Teting” Dela Cruz ng Buruanga ng Aklan hanggang sa isang araw ay bigla na lamang umano siyang nakakita.

Itinuturing itong himala ng pamilya at ng mga kabarangay niya.

“Grabe ang aking pasasalamat. Naiyak ako. Napaiyak ako sa sobrang kaligayahan! Binigyan ako ng Panginoon ng biyaya,” lahad ni Lola Teting.

Dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay sinubukan pa ng kanyang mga kamag-anak ang linaw ng kanyang mata sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanya ng iba't ibang bagay.

Batay sa ipinakitang video ng Kapuso Mo, Jessica Soho, lahat ng bagay na ibinigay kay Lola Teting ay tama niyang napangalanan.

Isa nga ba itong milagro?

Taong 2008 nang lumabo raw ang kaliwang mata ni Lola Teting dahil sa katarata kung saan nagkaroon ng tila ulap sa kanyang mata. Nang sumunod na taon ay nadamay na rin umano ang kanyang kanang mata hanggang sa tuluyan nang lumabo at mabulag ang kanyang mga mata.

“Masakit sa loob ko na hindi ako makakita sa madilim. Natatakot din ako na baka madapa ako at mahulog ako, dahil hindi ako makakita.

“Halos araw-gabi, umiiyak ako,” lahad pa ng matanda.

Ngunit kahit kalian ay hindi naman umano nanlabo ang pananampalataya ni Lola Teting at araw-araw na nagrorosaryo.

“Bata pa lang ako, sa edad na sampung taon, marunong na akong mag-rosaryo. Hindi ako nakalimot.

“Sa gabi dasal. Idinadaan ko na lang sa awit ang hirap,” ani lola.

Hanggang sa nitong July 23 ay muli umanong nanumbalik ang paningin niya.

“Nanaginip ako! Nakakita ako! Ang Diyos siguro, narinig kaya nanaginip ako. Pagkatapos, paggising ko, madilim pa rin. Lumipas ang dalawang araw, paggising ko nakita ko na ang aking anak,” aniya.

Tunghayan ang istorya ng muling pagkakita ni Lola Teting sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

KMJS: Anting-anting, mabisang pangontra rin sa COVID-19?

KMJS: Blood plasma ng COVID-19 survivors, ibinebenta