
Sabik na inabangan ng mag-asawang Wilvien at Jessa Mae Gandia ang kanilang kambal na anak na isinilang sa gitna ng community quarantine period. Pero laking gulat na lamang ng mga ito nang makitang magkadikit ang dibdib ng kanilang mga anak.
Ang itinuturong dahilan ng mag-asawa, na tubong Calaug, Quezon, ay ang paglilihi ni Jessamae sa kambal na mangga.
“Gusto ko po no'n, nasa tangkay pa po 'yung mangga. Dalawa po. Nando'n 'yung naiinis talaga ako 'pag hindi niya nabili 'yung gusto ko,” sabi ni Jessa Mae.
KMJS: Sagradong bato, sikreto ng mga sentenaryo ng tribo Blaan?
Dagdag ng mister niya, “Ang weird ng pinapagawa ni misis kasi wala 'yung fresh talaga na mapipitas mo mula sa puno kaya hindi ko rin nabili.”
Samantala, laking-tuwa rin nina Jessa Mae at Wilvien na kahit magkadikit ang mga dibdib hanggang pusod ng conjoined twins na sina Maria Isabella at Maria Gabriela, ay masigla sila at tatlong buwan na nilang kapiling.
“Nu'ng nakita ko sila, nagulat [ako] kasi malakas sina baby, masigla. Sobrang saya kasi buhay 'yung baby ko,” lahad ni Wilvien.
MUST-WATCH: Top 10 most viral stories of 'KMJS' this 2019!
'KMJS': Ang babaeng hindi tumatanda?
Malaki rin ang pasasalamat nila na malakas at masigla sina baby Isabella at Gabriella sa kabila ng kanilang kondisyon. Hindi ako nakaramdam ng awa sa kanila. Sobrang saya ko pa noon kasi buhay sila. Ang lakas nila.
“Kasi ang sabi, 'yung ganyang sitwasyon na kambal, one day to two days lang daw ang tinatagal. Pero hanggang ngayon sobrang lakas nila. Sobrang blessed namin. Blessing talaga sina baby sa amin,” sabi pa ni Jessa Mae.
Pero may kinalaman nga ba ang sinasabing pinaglihian ni Jessa Mae sa sinapit ng mga anak niya?
KMJS: Dating apps, ligtas bang gamitin?
Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: