
Nauuso na sa millennials ang pagnenegosyo at pag-iinvest. Isa na sa mga nagtagumpay dito ang magkasintahang Frank Banogon at Arny Ross na sabay nakipagsapalaran sa negosyo.
Sa edad na 31 at 28, meron ng sariling mamahaling sasakyan at limang milk tea shops. Paano kaya nila ito na-achieve?
Taong 2008 nang magkakilala sa kolehiyo sina Frank at Arny. Nagsimula bilang magkaibigan, hanggang sa naging magkarelasyon. Marami man silang nakaharap na pagsubok, patuloy pa rin ang kanilang pag-iibigan. Naging malaking pagsubok sa dalawa ang pagkakaroon ng stable na career.
Isang artista si Arny na nagsimula sa Kapuso talent search na Protégé habang production assistant turned freelance photographer naman si Frank.
Kuwento ni Arny, “Kapag wala akong teleserye, medyo nade-depress ako. Saad naman ni Frank, “Ang hirap pala. Kapag wala akong shoot, wala akong income. Hindi puwedeng natitigil 'yung income kasi nagre-ready din ako for our future.”
Kaya naisipan nilang subukang magnegosyo, at dito nakahanap ng suwerte ang mag-nobyo.
Panoorin ang kanilang millennial millionaire love story: