
Naging popular na sa telebisyon at pelikula ang istorya ng isang possessed doll tulad ni Annabelle o Chuckie.
Kaya naman sa “Gabi ng Lagim VIII” ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), isang possessed doll din ang naging tampok noong Linggo, November 1.
Ayon kay Von Palahang, naging panakot sa kaniya ng kanyang pamilya ang isang manika na ang pangalan ay Bita noong siya'y bata pa lamang.
Ang hindi nila alam, nabubuhay raw ito tuwing gabi para takutin siya at ang kanyang mga pinsan.
“Hindi ako makatakbo. Sinasakal niya ako at natutuwa pa siya na sinasakal niya ako,” kuwento ni Von sa KMJS.
Panoorin ang nakakatakot na kuwento na ito:
Patuloy na panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo, sa GMA-7.