
Kilala na ang mga Pinay domestic helpers bilang mabubuting tagapag-alaga at tumatayong pangalawang magulang ng mga alaga nila, kaya naman nang magpaalam na ang domestic helper na si Maria sa kanyang alaga, labis ang lungkot nito sa kanyang pag-alis.
Personal pang hinatid si Maria ng kanyang Malaysian na amo sa airport nang pauwi na ito sa Pilipinas matapos ang limang taon ng pagseserbisyo.
Nitong Agusto, nakabalik na ng Pilipinas si Maria. Kwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, "Naalala ko lang 'yung kabaitan nila sa akin, 'yung pagmamahal nila sa akin. 'Yung hindi nila ako tini-treat na isang katulong.
Mula sa Butuan, nag-apply sa isang agency si Maria at taong 2016 nang iwan niya ang pamilya para makipagsapalaran sa Baling Kedah, Malaysia.
Bagong panganak pa lamang si Noah nang maging tagapag-alaga nito si Maria. Naging all-around helper din si Maria sa amo niya.
Nang magkasakit si Maria, sinagot ng amo niya ang hospital bills nito na umabot ng Php 100,000.
Sa kanyang pag-uwi ng Pilipinas, pinabaunan pa siya ng bagong cellphone, relo, at pocket money, sinagot na rin ng kanyang amo ang renovation ng tahanan ni Maria.
Gayunpaman, bumuhos ang luha ni Maria at ng kanyang amo at alaga sa kanyang pag-alis.