
Isang ganap na beki si Yok-Yok, pero kilabot ng mga siga ang kaniyang amang si Leo. Isayaw kaya siya nito sa kaniyang nalalapit na 18th birthday?
Pangarap ni Leo na maging isang sundalo,pero hindi siya pinayagan ng kaniyang ina. Dahil hindi niya natupad ang kaniyang pangarap, naging rebelde si Leo at nakilala bilang siga sa kanilang lugar sa Guimaras.
Laking tuwa niya naman ng isilang ang kaniyang anak na si Leo Jr. o “Yok-Yok.” Hindi lang alam ni Leo, ang kaniyang anak na inakala niyang susunod sa kaniyang yapak, isang beki pala.
Nahilig sa makeup at gay pageants si Yok-Yok pero itinago niya ito sa kaniyang pamilya noong umpisa dahil sa takot sa kaniyang pamilya, pero katagalan ay napansin din nila ito. Ngunit tutol ang pamilya ni Yok-Yok sa kaniyang pagiging isang beki.
Kuwento ni Leo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Gusto kong maging normal 'yung buhay niya. Magkapamilya balang araw. Kahit papano may mag-aalaga sa kaniya 'pag tumanda siya.”
Pero si Yok-Yok, determinado na sundin ang kaniyang puso.
“Pinili ko po talaga 'yung sigaw ng puso ko na kahit pinanganak akong lalaki, pusong babae po talaga ako. Gusto kong ipakita kina Mama na kaya kong gumawa ng sarili kong party ng hindi ako humihingi ng pera o suporta nila. Ito rin po ang magiging inspirasyon sa libo-libong LGBT.”
To the rescue ang BFFs ni Yok-Yok na nag-mala fairy godmothers na tinulungan siyang mapaganda ang kaniyang pang-dalaga na 18th birthday o debut na may 18 balloons, 18 candles at treasures.
Pinaka-inabangan naman ang 18 roses kung saan nakasayaw niya ang kaniyang mga kaibigan na lalaki.
Hanggang dumating ang kaniyang last dance…ito na kaya ang kaniyang kilabot na ama?
Panoorin sa KMJS:
KMJS: UFO sighting sa Negros, totoo nga ba?