GMA Logo Sharon Dacera on daughter Christine Dacera
What's Hot

KMJS: The Christine Dacera case

By Dianara Alegre
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated January 13, 2021 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Dacera on daughter Christine Dacera


Naglabas ng saloobin ang inang si Sharon Dacera sa sinapit ng anak na si Christine Dacera, ang flight attendant na natagpuang patay sa unang araw ng Bagong Taon. Panoorin ang panayam niya sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Beauty and brains kung ilarawan ng mga nakakakilala ang 23-anyos na si Christine Angelica Dacera.

Nagtapos si Christine bilang cum laude sa Univeristy of the Philippines Mindanao. At dahil sa likas na ganda, ilang beses na ring sumali si Christine sa iba't ibang beauty pageants sa Mindanao.

Kalaunan ay nagtrabaho siya bilang isang flight attendant ng Philippine Airlines.

Source: xtinedacera (Instagram)

Ngunit sa isang iglap, bumagsak ang matayog na pangarap ni Christine nang matagpuan siyang walang malay sa unang araw ng Bagong Taon.

Ito ay matapos kasiyang kasama ang mga kaibigan sa isang year-end party na ginanap sa isang hotel sa Makati City.

Natagpuan ang wala nang buhay na si Christine sa bath tub ng room 2209 noong January 1 ng tanghali.

Tinangka pa umano siyang isugod sa ospital ng ilang mga nakasama niyang mag-party ngunit idineklara siyang “dead on arrival” ng Makati Medical Center.

Naging usap-usapan ang pagkamatay ni Christine, kung saan isinasangkot ang 11 personalidad na naroon sa party.

Hanggang ngayon ay patuloy ang paggulong ng kaso.

Sharon Dacera on 'KMJS'

Sa bagong episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) nitong Linggo, January 10, nakapanayam ni GMA News Pillar Jessica Soho ang ina ni Christine, si Sharon Dacera.

Paglalarawan ni Sharon sa anak: “Christine is a very independent woman. She's a pretty lasy, malambing, may respeto po sa kapwa that's why I am always proud of my daughter.”

Sa interview ay itinanong ng award-winning journalist kung kilala niya ang 11 katao na kasama ni Christine na sumalubong sa pagpasok ng Bagong Taon.

“Minsan nung nag-TikTok siya nakikita ko palagi 'yung mukha ni [Rommel] Galido,” sagot niya.

Itinanong daw niya kay Christine kung sino si Galido na lagi niyang kasama at ang sinagot siya ni Christine na kaibigan niya itong bakla.

Sa paggulong ng kaso, mariing iginigiit ng kampo ng mga tinitingnang suspek na walang "foul play" na naganap sa pagkamatay ng kanyang anak.

Ngunit hindi ito tinatanggap ni Sharon at patuloy na inilalaban ang kaso.

“They can say their own version but we will fight the facts that we have in our hands because Christine can't defend herself.

"Wala na anak ko tapos ganun-ganun na lang? Inosente sila?

“Kasi ang sakit Ma'am Jessica na sa sunod kung payagan natin 'yung nangyari kay Christine at hindi bigyan natin ng linaw at hustisya kung sino man nagawa noon, marami pa silang gagawing ganung klaseng brutal na pamamatay sa isang babae na walang kalaban-laban,” pahayag ni Sharon.

Ayon sa mga naunang report, ruptured aortic aneurysm ang ikinamatay ni Christine.

Ngunit hindi rin ito pinaniniwalaan ng ina ng biktima dahil aniya ay bata pa ang anak niya.

“Ang bata-bata pa ng anak ko likat sila.

"'Tsaka number one, PAL Express has always his medical checkup with her/his employee.

"Hindi nila 'yan ipapa-serve sa kanilang flight na may masamang pakiramdam po 'yung kanilang empleyado. I know my daughter is very healthy,” lahad pa niya.

Isa pa umano sa lubos na ikinagagalit ng ina ni Christine ay ang pag-embalsamo agad sa bangkay nito bago sumailalim sa autopsy.

Inembalsamo umano si Christine nang walang permiso niya.

“Hindi nila pag-aari anak ko patay na anak ko.

"Sa huling hantungan ng anak ko ganyanin pa nila bastusin pa nila. Hindi kami nagbigay sa 'yo ng go signal na i-embalm mo anak ko, e,” aniya.

Ayon kay P/BGen. Vicente Danao, Jr, chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO), dahil sa pandemya kaya may bagong polisiyang ipinatutupad pagdating sa ganitong sitwasyon.

“Pandemic po tayo ngayon and I was informed that we have a policy especially 'pag probable o suspected cause of death might be a COVID, ang policy pala dyan is mauuna 'yung embalming bago 'yung autopsy,” aniya.

Sagdag pa niya, “Kasi 'yung hotel is a quarantine facility. So, it is presumed na kapag nandun ka e baka nagka-quarantine ka.”

Samantala, nakapanayam din ni Jessica ang lima sa mga nakasama ni Christine sa year-end party na sina Valentine Rosales, Clark Rapinan, Rommel Galido, John Dela Serna, at Gregorio Angelo Rafael “Gigo” De Guzman, na anak ng singer na si Claire Dela Fuente.

Panoorin ang kanilang mga pahayag sa Kapuso Mo, Jessica Soho:

Samantala, narito ang kilalanin ang celebrities na nakaranas ng aneurysm