GMA Logo Zoey Taberna
What's Hot

KMJS: Zoey Taberna, matapang na kinakalaban ang sakit na leukemia

By Dianara Alegre
Published December 7, 2020 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zoey Taberna


Nakakaisang taon nang sumasailalim sa chemotherapy si Zoey Taberna at dalawang taon na lamang ang kanyang bubunuin para tuluyan na siyang gumaling sa leukemia.

Marami ang nagulat nang ibahagi ng broadcaster at komentarista na si Anthony Taberna na mayroong sakit sa dugo o leukemia ang 12-anyos niyang anak na babae na si Zoey Taberna kamakailan.

Taong 2019 pa mula nang ma-diagnose ng naturang sakit si Zoey ngunit nito lamang isinapubliko ng pamilya niya ang tungkol sa kanyang kondisyon.

Anthony Taberna Rossel Taberna at Zoey Taberna

Source: iamtunying28 (IG)

“Ang anak naming ang isinasaalang-alang namin kaya ayaw namin siyang gawing public kahit marami na ring nagtatanong dahil tuwing magpo-post kami ni Rossel (Taberna) ng picture lagi siyang naka-bonet.

“Pero nu'ng anniversary na na-diagnose siya ng leukemia, si Zoey mismo 'yung nag-post nu'ng kanyang picture na kinalbo siya,” lahad ni Anthony nang makapanayam ni GMA News Pillar Jessica Soho sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Dagdag pa ng ina ni Zoey na si Rossel Taberna, ilang beses nang nakaranas ng depresyon si Zoey dahil sa kanyang kalagayan kaya minabuti nilang ilihim muna ang sakit niya.

Kamakailan nga ay naging bukas na umano si Zoey sa publiko at personal na ibinahagi ang mga litrato at video kung saan kinalbo siya para na kailangan para sa treatment ng sakit.

Anthony Taberna Rossel Taberna at Zoey Taberna

Ibinahagi rin ng mag-asawa kung paano nila nadiskubreng may leukemia ang anak.

“December 2, 2019 ng madaling araw ginising niya ako. Umiiyak. Sabi niya, 'Daddy sobrang sakit po ng binti ko hanggang hita ko hindi po ako makatayo.' Nag-panic ako du'n.

“Dinala namin siya sa ospital thinking na ang kanyang sakit lamang ay sakit sa buto. Pero pagkatapos ng mga multiple test nalaman namin na ito ay isang bone marrow disease. Na-confirm later on na ito po'y leukemia,” ani Anthony.

Sinabi rin ni Rossel na inilihim din nila kay Zoey ang tunay na sakit niya dahil baka matakot ito.

Nang nagkaroon na sila ng lakas na loob na sabihin ang totoo sa kanya, ani Rossel, “Na-shock siya. So, nu'ng pauwi kami sa sasakyan iyak siya nang iyak. Bakit hindi raw namin sinabi sa kanya na 'yun 'yung sakit niya.”

Samantala, kahit anong tapang niya, aminado si Anthony na naduwag siyang makitang kakalbuhin si Zoey nang personal.

“Akala ko ay matapang ako pero nu'ng nakita ko 'yung anak ko na nahihirapan, wala pa lang tapang-tapang 'pag tungkol sa anak,” aniya.

Nakakaisang taon na ng chemotherapy si Zoey at dalawang taon na lamang ang kanyang bubunuin para tuluyan na siyang gumaling.

Patuloy ang paglaban ni Zoey sa leukemia.

Panoorin ang buong pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa Taberna family at sa kinakaharap nilang pagsubok ngayon: