
Kamakailan lamang ay magkasama sina Sparkle star Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras na naghatid saya sa isang Christmas tree lighting ceremony sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa recent “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi ni Kobe ang kaniyang plano sa nalalapit na kapaskuhan.
“I just hope na makasama ko parents ko. I know they're busy, my mom's in Europe, my dad's busy with his side of his family. So hopefully, makasama ko sila, but if not, I'll be with Kyline and her family,” pagbabahagi niya.
Ayon pa sa report, may simple wish si Kobe sa darating na Pasko at ito ay ipagluto siya ni Kyline.
Aniya, “Sana kahit ano'ng lutuin ni Ky.”
“Hindi nga ako marunong magluto,” ani ng Shining Inheritance star.
Looking forward at excited din sina Kyline at Kobe na kumain ng iba't ibang pagkain sa Pasko tulad ng lumpiang shanghai, pancit, lechon, at bopis.
Nitong Nobyembre, opisyal na kinumpirma ni Kobe sa kaniyang interview sa isang local magazine na dating na sila ni Kyline.
Related gallery: Kyline Alcantara and Kobe Paras spark romance rumors with cozy photos
Panoorin ang buong panayam nina Kobe Paras at Kyline Alcantara sa video na ito.
Kasalukuyang napapanood si Kyline bilang Joanna De La Costa sa GMA Afternoon Prime series na Shining Inheritance.