
Nilinaw ng celebrity basketball player na si Kobe Paras ang tunay na namamagitan sa kanila ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara.
Sa katatapos lang na GMA Gala 2024, nakapanayam ng GMA News si Kobe at tinanong ito tungkol sa real score nila ni Kyline.
Paglilinaw ni Kobe, hindi niya pa tinatanong ang aktres na kaniyang maging girlfriend.
“We are great friends. Bakit girlfriend agad? Nagtanong na ba ako?” pahayag ni Kobe.
Dagdag pa niya, “We are just great friends right now, really close friends.”
Unang lumabas ang mga ispekulasyon tungkol kina Kobe at Kyline nang mapansin ng ilang netizens ang post ng dalawa na nagpunta sa iisang restaurant. Nakita rin ang dalawa na magka-holding hands na naglalakad sa BGC. Kamakailan, present din si Kyline sa opening ng tattoo shop business ni Kobe.
Sa hiwalay na panayam, inilarawan naman ni Kobe si Kyline bilang isang phenomenal actress.
“She's very ambitious in what she does. So, I feel like Kyline wouldn't be Kyline without being a professional actress,” ani Kobe.
RELATED GALLERY: Is Kyline Alcantara ready to fall in love? Actress answers