GMA Logo Kokdu Season of Deity
What's Hot

'Kokdu: Season of Deity,' mapapanood na sa GMA

By EJ Chua
Published March 23, 2024 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kokdu Season of Deity


Abangan ang Korean comedy-romance medical fantasy series na 'Kokdu: Season of Deity' sa GMA.

Kaabang-abang ang bagong Korean drama series na handog ng GMA sa Pinoy viewers ngayong 2024.

Sa darating na April 1, mapapanood na sa Kapuso Network ang comedy-romance medical fantasy series na ipinalabas sa South Korea noong 2023.

Ito ang Kokdu: Season of Deity, ang seryeng may kakaibang kuwento tungkol sa pag-ibig.

Tampok din dito ang konsepto ng time travel at ilan pang fantasy-related na mga bagay.

Naniniwala ka ba sa reincarnation? Tatalakayin din ito sa bagong seryeng mapapanood sa GMA.

Mapapanood sa full-package series na ito ang Mr. Queen actor na si Kim Jung-hyun.

Kasama rin dito ni Kim Jung-hyun ang Korean stars na sina Im Soo-hyang at Ahn Woo-yeon.

Kabilang din sa cast sina Kim In-kwon, Cha Chung-hwa, Kim Da-som, at marami pang iba.

Abangan ang Kokdu: Season of Deity ngayong Abril sa GMA.

Related gallery: Korean stars who call the Philippines their second home