
Mas pinasaya ng Running Man PH cast members na sina Buboy Villar, Kokoy de Santos at first Ultimate Runner na si Angel Guardian ang annual fan gathering para sa hit reality show na Running Man Korea na idinaos last January.
Ibinahagi ni Kokoy sa kaniyang YouTube channel ang ilang highlights sa pagpunta nilang tatlo sa Running Man Festival event na ginawa sa sa Paco Arena sa Maynila noong January 28.
Sa vlog ni Kokoy, makikita na sinalubong sila ng hiyawan at palakpakan ng Pinoy fans ng original Running Man.
Sa isang bahagi ng video, nagbigay rin sila ng mensahe sa mga ito.
Sabi ni Buboy, “Sobrang nakakatuwa kayo, dahil taon-taon na lang meron kayo ganito. Maraming salamat, dahil sobrang init ng suporta n'yo talagang, ay naiiyak ako… I love you all”
Hindi rin makapaniwala ang Sparkle actress-singer na si Angel Guardian sa dami ng tao na nagpunta sa fan event.
Panoorin ang buong vlog ni Kokoy tungkol sa Running Man Festival Manila event dito:
MOST-WATCHED RUNNING MAN PH SCENES LAST 2022: