
Tiyak na mapupuno ng saya at tuwa ang Sunday night n'yo dahil mapapanood sina Kapuso stars Kokoy De Santos at Angel Guardian sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 2).
Ibabahagi nina Kokoy at Angel, o ang “GeKoy” ng Running Man Philippines, ang mga chismis tungkol sa mga artista sa “TBATS Top 5.” Bibigyang-linaw din ni Angel ang mga bali-balita na siya'y nagpa-nose job para ma-enhance ang kanyang looks.
Sasalang naman si Kokoy sa “Phone Raid” segment, kung saan babasahin ng hosts ang ilang random text messages mula sa cellphone ng guest celebrity.
Bukod dito, magtutulungan din sina Kokoy at Angel sa bagong laro na “Kainin Mo, Huhulaan Ko,” kung saan huhulaan nila ang iba't ibang food item nang naka-blindfold. Kung mahuhulaan nila ang hindi bababa sa apat sa walong pagkain, haharap sina Boobay at Tekla sa isang punishment.
Samantala, may mahalagang announcement si Tekla sa darating na Linggo.
Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 2), 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits.
SAMANTALA, TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO.