
Isang natatanging pagganap mula kay Kapuso actor Kokoy de Santos ang matutunghayan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bibida siya sa episode na pinamagatang "Double Murder sa Pamilya: The Dindo Sumibcay Story."
Gaganap siya rito bilang Dindomar, lalaking magiging saksi sa pagpatay sa kanyang minamahal na amain.
Kasunod nito, sa harap niya mismo papasalangin ang kanyang ina.
Dahil wala nang katuwang sa buhay, lalapit si Dindomar sa kanyang biological father pero ikakaila siya nito.
Paano malalampasan ni Dindomar ang hinagpis ng dalawang magkasunod na trahedya sa kanyang buhay?
Bukod kay Kokoy, bahagi rin ng episode sina Valerie Concepcion, Michael Flores, Boom Labrusca, Kim Perez, Zyren Dela Cruz, at Elizabeth Oropesa.
Abangan ang brand-new episode na "Double Murder sa Pamilya: The Dindo Sumibcay Story," July 26, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.