
Si Kapuso actor Kokoy de Santos ang bibida sa brand-new episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap siya bilang Coco, isang sepulterero na may big dreams sa "Si Coco at Nonoy."
Nagtatrabaho si Coco sa sementeryo para makapag-ipon ng pera na gagamitin niya para magsimula bilang seaman.
Bilang extra raket, tatanggapin niya ang trabaho na bantay ng puntod ng isang bata.
Sa unang araw pa lang ng trabaho ni Coco, makikilala niya si Nonoy, isang batang nakatira sa sementeryo.
Dahil walang pamilya, si Coco na rin ang magsisilbing bantay ni Nonoy.
Isasantabi na ba ni Coco ang pangarap niyang sumampa ng barko para tuluyan nang maging pamilya ni Nonoy?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Si Coco at Nonoy," September 20, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.