What's on TV

Kokoy de Santos, gaganap bilang kanyang sarili sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published February 16, 2023 5:41 PM PHT
Updated January 15, 2026 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy de Santos


Gaganap si Kokoy de Santos sa sarili niyang talambuhay sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Buhay ni Kapuso actor at Sparkle star Kokoy de Santos ang tampok sa real life drama anthology na Magpakailanman ngayong linggo.

"Na-excite ako kasi hindi lahat ng tao, hindi lahat ng artista, nabibigyan ng chance para ma-share 'yung buhay nila sa ganitong klaseng programa na alam naman nating matagal na rin," pahayag ng aktor.

Iikot ang episode sa pagsisikap ni Kokoy na makapasok sa mundo ng showbiz para makatulong sa pagtataguyod ng kanyang pamilya.

"Isa rin ito sa mga pinangarap ko before--na ma-share and mag-tell ng story para maka-inspire sa mga katulad ko na aspiring na magkaroon ng magandang work, mga blessings," lahad niya.

The Kokoy de Santos Story on MPK


Lalo pa itong naging espesyal dahil siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili sa episode.

"Tinanong nila ako. Sino gusto mong gumanap sa'yo? Ha? Ako po, kasi may bayad po 'yun eh. Ang hirap sa iba n'yo pa ipapagawa. Sa akin n'yo na lang ibigay 'yun," biro ni Kokoy sa kanyang casting.

Pero pagserseryoso ni Kokoy, mas kilala lang daw niya talaga ang sarili kaya siya na mismo ang gumanap.

"Siyempre ako 'yun, buhay ko 'yun so feeling ko mas mabibigyan ko rin minsan ng correction 'yung mga nasulat na feeling ko baka hindi ko ginagawa talaga," aniya.

Umaasa daw siya na maraming makaka-relate sa kanyang kuwento, lalo na ang mga kabataan na nais subukan ang pagiging artista.

"Ito pa lang 'yung simula para doon sa tatahakin ko para ma-inspire din 'yung mga kagaya ko na gustong pumasok sa industriya. Huwag matakot na mag-try kasi nandoon naman talaga 'yung sugal. Isusugal mo lahat pati 'yung pagktao mo. Minsan kahit inaapakan ka na kailang mong [magtimpi] kasi siyrempe trabaho 'yung and normal lang 'yun. Uuwi ka pa rin naman sa pamilya mo," bahagi niya.

Makakasama ni Kokoy sa episode sina Shamaine Buencamino, Jong Cuenco, Analyn Barro, Miggs Villasis, at Jennie Gabriel.

Panoorin ang talambuhay ni Kokoy sa "A Son's Promise: The Kokoy de Santos Story," January 17, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: