
Kabilang si Kokoy de Santos sa mga sinusubaybayan ngayon ng Pinoy viewers sa House of Lies.
Related gallery: A touch of classic family charm at 'House of Lies' mediacon
Napapanood siya sa intense drama bilang si Jobert, ang kapatid ni Marj (Beauty Gonzalez) na mayroong special needs.
Sa posts at comments ng viewers at netizens, pinag-usapan ang excellent acting skills ni Kokoy sa pagganap sa kanyang role.
Sa previous exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktor, una na niyang sinabi na mala-dream come true para sa kanya ang challenging role na ito.
Samantala, ano kaya ang maitutulong ni Jobert sa mga kasinungalingan ng pamilya Torrecampo at iba pang karakter sa serye?
Abangan ang susunod na mga eksena sa House of Lies, ang seryeng pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kris Bernal.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.