
Sino ang mag-aakala na makakabalik si Kokoy de Santos sa Pepito Manaloto at ngayon isa na siya sa bida ng highly-anticipated prequel na mapapanood na sa July 17.
Sa exclusive interview sa kanya ni Betong Sumaya sa Kapuso ArtisTambayan kahapon, July 8, naikuwento niya na dati na siyang lumabas noon sa award-winning Kapuso sitcom.
Pagbabalik-tanaw ng hottie actor na gaganap na Patrick sa show, “Siyempre nandoon pa rin 'yung pressure siyempre unang salang po uli sa GMA, kasi 'di ba Kuya Betong, hindi mo po natatanong, dati napasama rin ako sa Pepito Manaloto 'yung unang-una.
“Kasi dati 'yung batang Chito ako yung kaibigan niya, isa ako sa mga kaibigan niya--- may pagkapilyo ganyan.”
“Pero ngayon kasi ibang-iba rin, hoping ako na talagang sa tagal ng pagsasamahan namin ay mas tumibay pa 'yung bonding.” dagdag niya.
Nakasama din sa Kapuso ArtisTambayan ang lead stars ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na sina Sef Cadayona at Mikee Quintos na napiling gumanap bilang Pepito at Elsa.
Samantala, nakuha naman ni Denise Barbacena ang role na Elma na dating ginampanan ng TV-movie star na si Dawn Zulueta.
Ayon sa actress-comedian na isang sorpresa para sa kanya na malaman na may role si Miss Dawn sa flagship sitcom.
Ani Denise, “Actually, more than the pressure na-surprise ako, kasi 'yun nga gaya nung sabi ko sa ibang interviews, hindi ko ine-expect na may role sa Unang Kuwento si Miss Dawn [Zulueta] kasi 'di ba, madalas natin napapanood siyempre 'yung nga si Pepito, si Elsa ganyan so na-surprise ako.”
“There's always pressure naman sa lahat ng trabaho or blessings na dumarating sa atin. Ako more than anything, I'm just so excited to be working with hopefully new set of friends on the set,” sambit ng Bubble Gang star.
embed:
Heto ang pasilip sa ilan behind-the-scenes moments ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa kanilang taping sa gallery below.