GMA Logo Kokoy De Santos
Courtesy: EJ Chua, GMANetwork.com
What's Hot

Kokoy De Santos, kakaibang role ang gagampanan sa 'House of Lies'

By EJ Chua
Published November 4, 2025 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr orders probe into alleged payola in LTO
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy De Santos


May pahapyaw si Kokoy De Santos sa kanyang karakter sa upcoming series na 'House of Lies'

Kabilang si Kokoy De Santos sa star-studded cast ng bagong seryeng ihahandog ng GMA sa Pinoy viewers at netizens.

Inilahad ni Kokoy sa isang interview na excited na siya para sa bago niyang proyektong kinabibilangan- ang House of Lies.

Related gallery: At the story conference of House of Lies

Nagpahapyaw din ang aktor tungkol sa kanyang karakter, na ayon sa kanya ay kakaiba sa kanyang previous acting roles at very challenging umano ito.

“Excited ako, kakaiba 'yung role ko rito. Never ko pa nagawa and very challenging siya,” pahayag niya.

Dagdag pa ni Kokoy, “Kahit itanong sa mga aktor [din], isa ito sa mga mahirap [gampanan] o i-sustain na character. Malalang ano ito research and talaga namang tututukan kong mabuti 'to. “

Ano nga kaya ang role ni Kokoy sa serye?

Samantala, ang House of Lies ay pagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Kris Bernal, at Martin Del Rosario.

Bukod sa kanila, mapapanood din dito sina Jackie Lou Blanco, Geo Mhanna, Kayla Davies, at Angel Cadao.

Abangan ang House of Lies sa GMA Afternoon Prime.