
Bawal umabsent mga Ka-Bubble dahil may maanghang na rebelasyon ang Sparkle heartthrob na si Kokoy de Santos sa Your Honor ngayong Sabado, July 12.
Maintriga ang tanong ni Vice Chair Buboy Villar sa resource person at matalik niyang kaibigan sa show business.
Base sa teaser episode ng Your Honor, diretsahan inusisa ni Buboy si Kokoy kung meron ba siyang celebrity na muntik nang makasuntukan dahil lang sa isang babae.
Makakasama rin ni Kokoy De Santos sa funny session ng Your Honor this weekend ang Sparkle versatile actress na si Analyn Barro!
Iwasa 'FOMO', mga Ka-YouLOL! Kaya tutok na sa Your Honor na mapapanood tuwing Sabado sa YouLOL YouTube channel sa oras na 7:15 p.m., pagkatapos ng Pepito Manaloto.
RELATED CONTENT: Mga naging patok na content mula sa 'Bubble Gang'