
Isang nakaaaliw na alaala ang ikinuwento ni Kokoy de Santos kay Angel Guardian nang sumalang sa session ng Your Honor.
Sa July 12 episode ng YouLOL Originals vodcast last Saturday, ni-reveal ni Buboy Villar na una raw nag-message ang Bubble Gang heartthrob kay Angel, na kanyang co-star sa hit reality show na Running Man Philippines.
Kuwento niya sa House of Honorables, “Tagal na nito, parang nasabi ko sa kaniya 'to Pepito days."
Nagkatrabaho rin sina Kokoy at Angel sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, na spin-off hit comedy program na Pepito Manaloto. Gumanap noon bilang binatang Patrick si Kokoy, habang si Angel ay gumanap bilang dalagang Beth.
“Ang alam ko pa hindi niya tanda, hindi niya pa naalala. [Kaso], naalala niya. Akala ko sumakses ako, poser 'yung na-chat ko dati, mahilig kasi ako mag-chat dati, mga 2013, 2014, ganiyan 'yan, e.”
Nagulat ang Sparkle actor nang maalala ni Angel pag-chat niya at dito na-realize ni Kokoy na hindi pala 'poser' ang na-message niya noon.
“Minessage ko siya dati, literal palitan lang 'yung message. Sabi ko sa kaniya 'Hi, Kokoy nga pala.'”
“Pero, siyempre, 'pag nag-chat ka may pangalan naman yun. Nag-reply, 'Yeah, oo'.”
“So ngayon, chika-chika kami sa taping ng Pepito, then, na-open up ko. Naalala ko dati nagkasama tayo dati, ang binalikan ko, ang nareminisce ko 'yung mas matagal na. Way back 2010, 2011 pa. Ang binalikan niya mali, ibang taon.
“[Sabi ni Angel], 'Oo nga naalala ko nag-chat ka sa aki, e'. Sabi niya sa akin, so 'yun ang binalikan niya, kaya naalala ko. Oh my God, hindi poser 'yung na-chat ko, siya nga.”
Ano kaya ang relationship status ngayon ng 'GeKoy'? Panoorin dito:
RELATED CONTENT: Get to know 'Sang'gre' star Angel Guardian