
Nagmistulang life update ang bagong video ni Kokoy de Santos sa TikTok.
Magkahalong good vibes at kilig ang dala ni Kokoy sa kanyang video, kung saan makikita siyang chill lang na sumasayaw sa loob ng sasakyan suot ang kanyang white na sweatshirt.
Maraming netizens at fans ang kinilig at naaliw sa kanyang bagong entry at ang ilan ay napa-comment pa tungkol sa kanyang pangmalakasang facecard.
Related gallery: Hottest photos of Kokoy de Santos
Mababasa rin sa comments section ang pangangamusta ng viewers kay Kokoy at sa kanyang karakter sa intense drama series na House of Lies na si Jobert.
@kkydsnts 🙂
♬ som original - csabekew
Si Jobert ang kapatid ni Marj, ang karakter naman ni Beauty Gonzalez sa serye.
Sila ay mga anak ni Evelyn na role naman ng batikang aktres na si Snooky Serna.
Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Jobert?
Patuloy na subaybayan ang House of Lies, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Mapapanood din ito sa GMA Play. I-download lang ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.