
Napa-throwback ang fans ng hit gag show na Bubble Gang sa throwback video ng Sparkle heartthrob na si Kokoy de Santos.
Sa post ni Kokoy sa Instagram Story, ipinasilip niya ang cute dance video nila ng former Ka-Bubble na si Sef Cadayona habang in character sila bilang sina Ella (Sef) at Olivia (Kokoy) .
Matatandaan na bumida ang dalawa sa "Bes Friends" sketch award-winning gag show, kung saan gumanap sila bilang two kikay friends na nang-ookray ng mga cringey post sa social media ng mga kakilala nila.
Sabi ni Kokoy sa caption ng video, “Miss you Ella!!!”
Source: kkydsnts (IG) & Bubble Gang
Sa panayam kay Sef sa isang media conference ng Bubble Gang noong 2022, pinuri nito si Kokoy na husay nito pagdating sa pagpapatawa.
Ani Sef, "Napakahusay ni Kokoy, kasi ang bilis niyang mag-absorb.
"And at the same time, nakikinig kami sa isa't isa kung papano namin mapapaganda, yung sketch o yung eksena sa kung ano man yung gagawin namin."
Balikan ang ilan sa funny at cringy moments nina Ella at Olivia sa video below!
RELATED CONTENT: GET TO KNOW SPARKLE ACTOR KOKOY DE SANTOS