
Tila napabilib ni Kokoy de Santos sa kanyang acting skills ang co-star niya sa House of Lies na si Mike Tan.
Related gallery: A touch of classic family charm at 'House of Lies' mediacon
Sa isang exclusive video na nakuhanan sa set ng intense drama, mapapanood na nakatutok si Mike habang ongoing ang taping ng kanyang co-stars, kung saan si Kokoy ang isa sa mga may major scene.
Pinanood at talaga namang inobserbahan ng lead actor ang pag-deliver ni Kokoy sa kanyang eksena habang kasama ang gumaganap na nanay niya na si Snooky Serna.
Reaksyon ni Mike, “Alam n'yo guys, 'yung ginagawa ni Kokoy, sobrang hirap niyan. Masakit sa ulo 'yung tingin-tingin na ganon, tapos 'yung physical pa… sobrang nakakapagod.”
Ayon pa sa kanya, nagsimula siyang humanga sa husay ni Kokoy sa pag-arte noong nagkasama sila sa kanilang acting workshop para sa bago nilang proyekto.
“Simula nung nakita ko si Kokoy doon sa workshop namin, sabi ko na I'm a fan. Magaling si Kokoy talaga,” sabi ni Mike.
Si Kokoy ay napapanood sa serye bilang si Jobert, ang kapatid ni Marj (Beauty Gonzalez) na mayroong special needs.
Kilala naman si Mike sa intense drama bilang si Paolo, isa sa miyembro ng pamilya Torrecampo na kamakailan lang ay pinakasalan na ni Marj (Beauty Gonzalez).
Ano kaya ang maitutulong ni Jobert sa mga problemang kakaharapin ng iba pang karakter sa serye?
Abangan ang susunod na mga eksena sa House of Lies, ang seryeng pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kris Bernal.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.