
Maraming netizens at fans ang naaliw sa isa sa recent videos ni Kokoy de Santos sa TikTok.
Mapapanood sa naturang video na magkasama sina Kokoy at Beauty Gonzalez, ang Kapuso stars na parehong kabilang sa cast ng upcoming drama series na House of Lies.
Related gallery: At the story conference of 'House of Lies'
Dito ay makulit na sumayaw ang una habang uma-aura-aura at nagpo-pose sa harap ng camera ang aktres na si Beauty.
Sa caption naman ng video, tila ipinakilala na ni Kokoy ang mga karakter nila sa House of Lies.
“Marj at Jobert,” sulat niya sa kanyang TikTok post.
@kkydsnts marj at jobert
♬ original sound - mochi
Ano kaya ang roles nila sa serye?
Sa idinaos na story conference para sa programa noong October 27, binanggit ni Kokoy na kakaiba at challenging ang role niya rito.
Abangan sina Kokoy, Beauty, at iba pang aktor sa House of Lies, malapit na sa GMA Afternoon Prime.