
Isa si Kokoy de Santos sa cast members ng upcoming intense drama series na House of Lies.
Related gallery: A touch of classic family charm at 'House of Lies' mediacon
Bukod sa excitement, proud umano si Kokoy sa kanyang karakter sa serye.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktor sa media conference ng programa, inilahad niya kung gaano niya ipinagmamalaki ang bagong role niya na ayon sa kanya ay first time at mala-dream come true ito para sa kanya.
Pahayag niya, “Sobrang proud [ako sa role ko]. Sabi ko nga sa pamilya ko kapag ikinukuwento ko pa lang kapag galing ako sa set… Grabe, sabi ko never ko na-imagine na gagawa ako ng ganitong klaseng role… Ito ang ganda ng lahat. Ang ganda ng pagkakasulat, 'yung role ko mismo na ipinagkatiwala sa akin ang ganda-ganda.”
Ayon kay Kokoy, dream come true para sa kanya ang challenging role na ipinagkatiwala sa kanya.
“Dream come true para sa akin itong role na 'to. Isa siyang representation din para sa mga taong mayroon ding autism,” sabi niya.
Paglalahad pa niya, maiipit ang kanyang karakter sa mga kasinungalingan na tampok sa serye.
“Dito sa role ko, itatrato siya na normal na tao rin pero may mga times na dahil sa pagsisinungaling eh mamaliitin,” saad ng aktor.
Nagpahapyaw din ang aktor tungkol sa kanyang karakter, na ayon sa kanya ay kakaiba sa kanyang previous acting roles at very challenging umano ito.
Samantala, ang House of Lies ay pagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kris Bernal.
Bukod sa kanila, mapapanood din dito sina Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Geo Mhanna, Kayla Davies, Angel Cadao, at iba pang aktor.
Abangan ang House of Lies, magsisimula na ngayong January 19 sa GMA Afternoon Prime.