
The struggle is real para sa kabataang Pinoy.
Kaya naman inihahandog ng internationally-acclaimed broadcast giant na GMA Network, katuwang ang National Council for Children's Television (NCCT), ang isang advocacy at mini-series na tumatalakay sa mga kuwento at issues na kinakaharap ng kabataan tungkol sa kanilang mental health.
Simula September 8, mapapanood sa Ok Ako ang tatlong kuwento ng kabataan tungkol sa kahalagahan na mapag-usapan ang totoo nilang nararamdaman at hindi dapat ikahiyang i-share ang pinagdadaanan nilang struggles.
Bibida sa tatlong makabuluhang episodes ng special limited series ang ilan sa mga talented at pinakamahuhusay na talents ng Sparkle GMA Artist Center.
Tampok sa kuwento ng "Sexuality, Identity and Self Love" ang Pulang Araw teen star na si Aidan Veneracion at ang Sparkada members na sina Saviour Ramos at Vanessa Pena. Makakasama rin ng tatlo sina Cath Gacote at Gil Macahis.
Paano kaya haharapin ng isang young couple ang sakit ng paghihiwalay?
Bibida sa "Hearts, Breaks and Heartbreaks" ang mga Running Man Philippines stars na sina Kokoy de Santos at Angel Guardian; at ang promising actresses na sina Tanya Ramos at Kirsten Gonzales.
Samantala, mahalagang paksa naman tungkol sa social media addiction ang tatalakayin sa "Lies, Likes and Life" kung saan mapapanood sina Shanelle Agustin, Keisha Serna, Valentina Pinci at Edward Bragasin. May special participation din ang Sparkle loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Tagos sa puso rin ang bawat episode ng Ok Ako tuwing weekend dahil sa spoken word poetry na mapapakinggan mula kina Mark Ghosn at Maimai Cantillano.
Kaya mula September 8, 15 at 22, yayain ang buong pamilya at tutukan ang napapanahong serye na Ok Ako na magpapalawak sa kaalaman at pangunawa natin kung gaano kahalaga mapag-usapan at maprotektahan ang mental health ng mga kabataan.
Mapapanood ang Ok Ako sa oras na 2:30 p.m. tuwing Linggo dito lang sa GMA-7!