
Tila may pa-life update ang heartthrob actor na si Kokoy de Santos para sa kanyang followers ngayong summer.
Makikita sa kanyang Instagram account ang bago niyang photos na kuha mula sa kanyang recent Vietnam trip kasama ang kanyang loved ones.
Isa sa mga photos na pinag-uusapan ng kanyang fans ay ang half-naked photo at fit body niya na talaga namang summer-ready.
Related gallery: Hottest photos of Kokoy de Santos
Mababasa sa comments section ang reaction ng fans at viewers sa kanyang bagong striking snaps na tila inabangan nila.
Matapos ang bakasyon, balik-taping na ulit si Kokoy sa kinabibilangan niyang serye ngayon na ipinapalabas sa GMA.
Napapanood si Kokoy sa intense drama series na House of Lies bilang si Jobert, ang may special needs na younger brother ni Marj, ang karakter ni Beauty Gonzalez sa serye.
@kkydsnts 🙂
♬ som original - csabekew
Sina Jobert at Marj ay mga anak ni Evelyn na role naman ng batikang aktres na si Snooky Serna.
Ano pa kaya ang mga mangyayari kay Jobert at sa iba pang mga karakter sa House of Lies?
Patuloy na subaybayan ang serye, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Mapapanood din ito sa GMA Play. I-download lang ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.