GMA Logo TiktoClock, Salon De Chika
What's on TV

Komedyante, 'atechona' sa isang event kaya na-turn off ang kliyente?

Published April 13, 2025 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock, Salon De Chika


Alamin kung ano ang ginawa ni comedian kaya hindi na makakaulit sa na-turn off na client dito:

Isang comedian na tumalak talak umano sa isang event ang naging topic sa "Salon De Chika" ng TiktoClock.

Ayon sa kanilang blind item, "Isang bonggang comedian, ang chika, na-turn off ang mga kliyente niya sa isang event."

Nang tanungin kung bakit na-turn off ang client, ang sagot ay "Kasi atechona (attitude) raw."

Saad pa sa kanilang blind item, late daw kasi nag-start ang event dahil umuulan at tumalak-talak daw si comedian sa event. Ayon pa sa clue, nasa open ground ang event kaya na-delay.

Itinanong din daw ng client sa organizers kung bakit hindi funny at nagmamadali pa si comedian. Ito rin daw ang naging sanhi ng pagka-turn off ng client ng event sa komedyante.

Ayon pa sa "Salon De Chika" segment ay hindi na pinatapos ni client ang comedian. Para sa clue, si comedian ay mayroon daw letrang N sa kaniyang pangalan.

Hulaan kung sino si comedian sa video na ito:

Samantala, patuloy na subaybayan ang April Full na hatid ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.