GMA Logo Brod Pete
Source: Brod Pete (Isko Salvador) (FB)
What's Hot

Komedyanteng si Brod Pete, nagretiro na sa showbiz

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 4, 2022 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Brod Pete


Ano kaya ang naging dahilan kung bakit nagretiro sa showbiz si Brod Pete matapos ang mahigit apat na dekada sa industriya?

Nagretiro na sa show business ang komedyanteng si Brod Pete, o Herman Salvador sa totoong buhay, ayon sa kanya ay "laos na" siya matapos ang mahigit apat na dekadang niyang karera.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Brad Pete na magfo-focus na lang siya ngayon sa kanyang singing career.

"Yes, laos na po ako after 43 years sa showbiz as a writer and comedian. I'm now retired," paunang sulat ni Brod Pete.

"Nakakasawa din. But I am launching my singing career fyi - to pursue my true love - music!"

Noong Eleksyon 2022, tumakbo rin si Brod Pete bilang konsehal sa Marikina City ngunit hindi siya pinalad na manalo.

"I've tried politics, mas nakakatawa kesa sa komedi ang politika. Di ako pinalad para konsehal - siguro dahil sinabi ko na para mawala ang baha ipapasemento ko ang marikina river."

Ngayon, abala si Brad Pete sa kanyang online comedy writing workshop/playshop na gaganapin sa September 3, Sabado.

Isa sa mga tumatak na gawa ni Brod Pete ay ang "Ang Dating Doon" parody segment ng Bubble Gang. Nakilala rin si Brod Pete dahil sa madalas niyang paggamit ng salitang "Alien."