
Nais maging inspirasyon ng komedyanteng si Dyosah Pockoh sa mga fans nito kaya hinikayat ng komedyante na maging “superhero” ang mga ito sa kanilang sariling paraan, tulad ng pagtulong sa mga Taal Volcano victims.
Kuwento ng One of the Baes star, “Lahat po tayo ay pwedeng maging superhero sa lahat ng panahon at pagkakataon. Hindi lahat ng superhero ay lumilipad. Pwede kang maging superhero sa iyong sariling paraan. Kahit na isa kang ordinaryong tao ay maaari ka ka pa ring maging bayani sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa”. Sa mga volunteer at sa mga taong patuloy na nagpapadala ng donasyon at tulong, walang sawang nagdadasal, at sa mga nangangalaga ng aming kaligtasan kayo po ang superhero namin."
Nanawagan din si Dyosah na tulungan ang ilang mga pamilyang naapektuhan ng bulkang Taal.
Panoorin si Dyosah sa One of the Baes, Lunes hanggang Biyernes, tuwing 9:30 sa GMA Telebabad.
Komedyanteng si Dyosah Pockoh nag-sponsor ng uniform sa liga dahil sa 'One of the Baes'