
Itinuturing ng komedyanteng si Dyosa Pockoh na napakalaking blessing ang pagiging parte ng cast ng GMA Primetime na One of the Baes kaya naman ngayong pasko, ibinahagi niya ang kaniyang blessings sa mga bata sa kanilang barangay.
Aniya, “Nagkaroon po ng pa-liga ng basketball ang mga bata sa barangay namin.
"Dahil malapit na ang Pasko I want to share yung blessings ko from the One of the Baes. Malapit ang puso ko sa mga bata.
"Every Christmas at New Year, may palaro ako sa kanila. Kasi gusto ko happy ang childhood days nila.
Dahil daw sa One of the Baes, nakilala si Dyosa sa kanilang barangay kaya naman iniaalay niya sa programa ang pag-sponsor ng mga uniform ng mga batang player sa kanilang barangay.
“Actually mga parents ng mga bata ang nagsasabi sa akin na pinapanuod nila ako. Kaya napapapayag nila ako mag-sponsor.
Dagdag ni Dyosa, “Hindi po ako mayaman, pero gusto ko lang mag-share ng konti at Christmas din naman. Minsan lang naman po, mabuting makapagpasaya naman tayo ng mga bata.”
LOOK: Rita Daniela and Ken Chan's "family portrait" in 'One of the Baes'