
The wait is finally over dahil mapapanood na sa Netflix ang pelikula nina Barbie Forteza at Eugene Domingo na Kontrabida Academy simula ngayong Huwebes, September 11.
Sa comedy-drama film, gumaganap si Barbie bilang Gigi, isang restaurant worker na problemado sa kanyang pamilya, career, at love life.
Sa pamamagitan ng isang misteryosong TV, inanyayahan siya ng karakter ni Uge na si Mauricia na sumali sa isang paaralan para sa mga kontrabida para mailabas ang kanyang potensyal bilang isang 'primera kontrabida' sa totoong buhay at para makaganti sa kanyang mga kaaway.
Tampok din sa Kontrabida Academy sina Carmina Villarroel, Jameson Blake, Ysabel Ortega, Xyriel Manabat, Michael de Mesa, at Yasser Marta. Mula ito sa panulat at direksyon ni Chris Martinez.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Barbie sa GMA, Viu, at CreaZion Studios series na Beauty Empire.
RELATED CONTENT: The acting range of Barbie Forteza