
May bagong team na nagwagi sa More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary ng Family Feud.
Ang Kool Pals na nagwagi ng PhP200,000 sa Family Feud ngayong March 14 ay kinabibilangan nina Ryan Rems, Muman Reyes, Roger Naldo, at GB Labrador. Nakalaban nila sa episode na ito ang grupong Spit Manila nina Monica Cruz, Chester Cruz, Angelica Gacis, at Karl Echaluse.
Naipanalo nina GB at Muman ang Kool Pals with 222 points sa Fast Money Round kaya sila ay nakapag-uwi ng jackpot prize at nakapagbigay ng premyo sa kanilang chosen charity na Mabuhay Deseret Foundation.
Balikan ang jackpot round ng Kool Pals sa Family Feud:
Abangan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. ang More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary episodes ng Family Feud sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP20,000.