
Viral ngayon ang isang video kung saan makikitang nakasakay ng jeep ang kamukha ng Korean actor na si Song Joong-ki.
Si Song Joong-ki ang bumida sa hit K-drama series na Descendant's of the Sun na ginawan ng Philippine adaptation ng Kapuso network noong 2020. Bumida rito ang Primetime King na si Dingdong Dantes at si Ultimate Star Jennylyn Mercado.
Sa reel na pinost sa Facebook page ng Kapuso Mo, Jessica Soho, makikita ang isang lalaki na sakay ng jeep na mapagkakamalan mo ngang ang Korean actor. Sa video, pinakita rin ang still pictures ng lalaki at ni Song Joong-ki para maikumpara at kitang-kita ang pagkakahawig ng dalawa. Ang Korean oppa na nga ba ito?
Sa comments, maraming netizens ang sumangayon na kahawig nga ng Korean actor ang lalaki sa video. Samantalang ang iba naman, sinasabing malayo ang itsura ng dalawa.
Ano sa palagay ninyo? Panoorin ang buong video rito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES AT KANILANG MGA KA-LOOK ALIKE DITO: